Naniniwala ako na bago pa tayo ipanganak ay nakasulat na ang ating tadhana.
Isinulat na ni GOD ang magiging storya ng buhay natin. Naniniwala din ako na dalawang storya ang isinulat ni God para sa atin. Bakit dalawa?
Dalawang storya kasi binibigyan tayo ni GOD ng choice na mamili kong anong landas ang tatahakin natin. Itinuro satin kong ano ang tama at mali, kong ano ang dapat at hindi dapat. Mga disisyon na ginagawa natin sa buhay araw araw.
For example sa status ng buhay. unang storya, sakto lang ang pamumuhay mo, pero dahil sa dami ng nakikita mo nandun yong thoughts na may mga gusto ka din ma achieve o makuha para sa sarili mo. so magtatrabaho ka ng husto, pag sisikapan mo, pag hihirapan mo para makuha mo. pangalawang storya, sakto lang ang pamumuhay mo, pero dahil sa dami ng nakikita mo nandun yong thoughts na may mga gusto ka din ma achieve o makuha para sa sarili mo. but pinili mo nalang na makuntento sa kong anong meron ka, and isipin ung reality na marami pang mas importanteng bagay ang dapat mong pag laanan ng effort mo.
another example, friendship. May pera ka and gustong gusto mong bumili ng bagong phone, ok pa naman yong phone mo but yon nga lang napagiiwanan kana sa uso. but then nakita mo yong phone ng bestfriend mo aside sa luma na basag na ang screen hirap ng makapag message. unang storya, bibili ka ng phone para sa sarili mo kasi pera mo yon karapatan mong bilin kong anong gusto mo, deserve mo. hindi mo obligasyon na bilihan ng phone ang bestfriend mo. pangalawang storya, bibili ka ng phone para sa bestfriend mo, kasi alam mong kailangan nya, and magiging madali para sa kanya makipag communicate dahil sa madali na shang makakapag message.
last example, sa LOVE. inlove ka, inlove sya, inlove kau sa isat isa. Unang storya, may asawa sya, kasal sila, may anak. pero malaki na ang damage ng relasyon nila. pinili mong magstay sa relasyon nyo kasi nga mahal nyo ang isat isa, and dahil na din sa damage ng relasyon nila nakikita mong hindi na sila magkakaayos, ang importante sayo is yong nararamdaman nyo at wala ng iba. pangalawang storya, may asawa sya, kasala sila, may anak, pero malaki na ang damage ng relasyon nila. inisip mo yong anak nila kaya pinili mong tapusin ung relasyon nyo kahit mahal nyo ang isat isa, at kahit alam mong malaki na ang damage ng relasyon nila, na mahirap ng ayusin pa. mas pinili mong ikaw ang msaktan kaysa sa maging dahilan ng pagkasira ng pamilya ng bata.
sa dami ng example na binigay ko siguro naman understood na yong sinasabi kong dalawang storya ang isinulat ni GOD para sa atin. na binibigyan nya tayo ng chance mamili kong dun tayo sa tama o sa mali. Isinulat ni GOD ang storya ng buhay natin pero nandun parin yong kalayaan nating mamili.

Add comment
Comments