SUSUGAL ULIT?

Published on 21 February 2025 at 03:34

ANG HIRAP MONG ALISIN SA BUHAY KO...  kahit anong gawin kong pag iwas sayo in the end sayo parin ang bagsak ko. 

nakiusap na ako sayo na putulin mo na ang lahat ng komunikasyon mo sa akin pero ayaw mo, gumagawa at gumagawa ka parin ng paraan para comonnect sa akin. sabi mo gusto mo lang akong kumustahin and iremind ako na mag iingat palagi, pero habang tumatagal hindi lang pangungumusta at pag reremind, bumabalik tayo sa dati na kong saan kinukuwentuhan mo ako ng mga pangyayari sa buong maghapon mo,  tungkol sa trabaho mo, tungkol sa bahay mo, tungkol sa paligid mo, and kong ano ano pa. ako naman si tanga willingly namang nakikinig sayo. hindi ko napapansin na i am doing the same thing. everytime you ask me kong kumusta ang araw ko sagot naman ako, kwento naman ako ng mga nangyari sa maghapon ko, sa bahay ko, sa paligid ko. nakakalimutan ko ng kalimutan ka. nakakalimutan ko ng iwasan ka. ayaw mo bumitaw, ayaw mo mag give up, lagi mo paring sinasabi na "forward we go!" i want to but i can't.

i can't nga ba o i can? susugal ba ako ulit? kaya ko na ba this time? gulong gulo ang utak ko in pain na ang puso ko. bakit kasi hindi nalang magkasundo ang puso at isipan ko? bakit hindi nalang makinig ang puso ko sa sinasabi ng utak ko? bakit hindi nalang sumunod ang utak ko sa nararamdaman ng puso ko?

Ramdam ko, ramdam ng puso ko na mahal kita, masaya ako kapag nandyan ka, kapag kausap kita, masaya ako sa atensyon, oras at effort mo, ramdam ko ang pagmamahal mo.

Sigaw ng utak ko mali ang ginagawa ko sinasaktan ko lang ang sarili ko, dahil alam ng utak ko na kahit gaano pa kita kamahal, kahit gaano mo pa ako bigyan ng oras, atensyon at effort at panindigan ang sinasabi mong mahal mo ako, hindi maikakaila na hindi ako ang unang nagmamayari ng puso mo, na ang katotohanan, pinupunuan ko lang ang pag kukulang ng no. 1 mo.

Gulong gulo na ang puso at isipan ko hindi ko na alam kong kanino ako makikinig at sino ang susundin ko. hindi ko na alam kong may sulusyon pa ba tong sitwasyon ko.

 

Add comment

Comments

There are no comments yet.